Friday, January 10, 2025

Dance of Leaves #3

Title: Himpapawid Pababa

Madilim na kalangitan, nakapikit na buwan.
Huhuni ang mga ulap at mga bituin pasulyap sulyap.
Simoy ng tubig padadapo sa langhap Halimuyak na bitbit ng dumaraang hangin.

Nangako ang sanlibutan ng langit na walang ulan
Hindi paririto sa ating puso ang isipan ng kalungkutan.
Kakagat ng labi sa may bandang dulo sa parang
Ngipin ng kidlat, mistulang ngiti sa kawalan.
At ang tunog ng kulog ay mapagkakamalang
Halakhak ng nagtatawnang mga Diyosat Diyos
Na hanap ay munting alaalang madali nilang malilimot.

Chorus:
Pero teka, bakit nga ba parang tayo' may di naalala?

Tila puno naman sa tayog amg naglalakihang tanyag
Na mga gusaling habambuhay naka halik sa pisngi ng alapaap.
Tanging mga pinaglipasang tipak at luhang biyak
at natatanging panmatagalang makakaalala
sa pinagmulan at pinagtapusan ng mga tirik na gusaling halik langit.
Ang kanilang mala pinyang mga mata ang nagsisilbeng duyang
umaalay na may buhay ang mga ito.
At ang mga nagdidiliman antok ay kundi panandaliang tulog
Na bukas namuling gigising para sa sinumang bubuhay dito.
Samantalang ang mga hindi na dumidilat,
At puno na luhang bitak at lamat ng panahong nakaraan,
tanging pader na lamang ang tanyag na aalaalang
minsan sa payak nilang pasilyo may mga tinadhanang magkakilala
at mga tinadhanang di magkasama,
panaglit lamang na nagkangitian, nagkainuman at wala na.

Chorus:
Pero teka, bakit nga ba parang tayo' may di naalala?

Nakapaligid sa ang mga estateng puno ng langgam.
May nagmamadali,
May papetiks,
may nagpapakahirap sa pangarap,
may wala nang pangarap,
may gustong makaahon sa hirap,
may wala nang magawa kundi mabaon sa kalokohan,
may umiibig,
may naghahanap pa ng tunay na pagibig,
may nililigawan,
may naligaw na ng landas,
may nawalan na ng pagiisip,
may mga gumagabay,
may ayaw sa iba
may ayaw sa sarili,
iba't iba man ang hiling ng mga taksil sa habambuhay,
lahat sila ay may layuning umusad, kahit pabalik man o paharap.
Hindi hindi titigil liban na lang sa lubid na sariling katha
o sa sakal ng tadhana.
At sa tapos ng araw, kundi sa ginintuang kamang yare sa malambot o sa gilid ng kalsada,
tanging panaginip lang ang siyang aalalay sa kanila para sa bukas na di nila nalalaman.

Chorus:
Pero teka, bakit nga ba parang tayo' may di naalala?

Hindi ba't ating mga paa, nasa lupa
pero mata, isip at diwa natin ay nasa taas at hindi sa baba.
Kalyo kasabay ng mga pudpud at mga
tsinelas, sapatos na nakayakap sa lupa.
Bakit parang hindi na natin maalala,
kung saan nga ba tayo nakatunton at tutunton?

Outro:
Oh! Ilaw! Sa gabing madilim..

No comments:

Post a Comment