Title: Bulong ni Satanas
Hudyat ng umaga,
Magdasal sabay mag mura.
Gumawa ng kabutihan,
yung marami ang nakakakita.
Hindi ka mabuti kung walang nakakaalam.
Chorus:
Magdasal para mapatawad,
Magdasal para gantimpalaan.
Pinagpala lamang, ang naniniwala
Sa kabilang buhay na walang hangganan.
Humayo't magkasala!
Di' ka papatawarin kung wala kang kasalanan.
Nilalang tayo sa kamunduhan,
Hinandog satin ang sanlibutan.
H'wag kang magalaala,
Isang dasal lamang at minsan lamang magsimba
Kita mo, wala ka pangamba.
Nasa Diyos ang awa, di natin kailangan magmakaawa.
Matik na yan, makasalanan lang ang may kapatawaran.
Sa mga lumuluhod at nagbibigay
Halik sa pananampalatayang lalang ng mga mata,
Kayo ang tunay na bulag at tagapagmana
Ng mundong hindi nating mahahawakan.
Makamit man natin ang mithiin,
tiyak isa pa ring ang sasapitin,
sa huli sa may bandang dulo
ng lahat lahat ng bukas,
buhay na walang hanggan, tayo ang mg mamana.
Ngumiti't tumawa, tayo ang pinagpala,
Tayo ang nasusulat,
Sa totoo lang, tayo ang sumulat.
Mag bunyi at umawit,
heto na ang pagwawakas.
Chorus:
Magdasal para mapatawad,
Magdasal para gantimpalaan.
Pinagpala lamang, ang naniniwala
Sa kabilang buhay na walang hangganan.
Humayo't magkasala!
Di' ka papatawarin kung wala kang kasalanan.
Nilalang tayo sa kamunduhan,
Hinandog satin ang sanlibutan.
H'wag kang magalaala,
Isang dasal lamang at minsan lamang magsimba
Kita mo, wala ka pangamba.
Nasa Diyos ang awa, di natin kailangan magmakaawa.
Matik na yan, makasalanan lang ang may kapatawaran.
Outro:
Tabi tabi po,
sa bangkay,
lulubog lilitaw
sasarado hukay.
Tabi tabi po,
sa bangkay,
lulubog lilitaw
sasarado hukay.
No comments:
Post a Comment